Pagbabalangkas at Sanaysay
KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN
Ang kabataan ay madaming lakas, oras, at oportunidad na baguhin at gawin ang lahat upang mabago at mapaunlad ang kanyang sarili at kanyang nasa paligid.
A. Ang mga hadlang ng kabataan
1. Impliwensya ng internet
2. Finansyal na pantulong
3. Covid 19
B. May pag-asa sa kabataan
1. Mga maswerteng kabataan na nakakapag-aral
C. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan
1. May pag-asa sa maliit na porsyento ng kabataang nasa tamang landas.
2. Tunay ang katagang binitawan ni Dr.Jose Rizal
KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN
Ang kabataan ay madaming lakas, oras, at oportunidad na baguhin at gawin ang lahat upang mabago at mapaunlad ang kanyang sarili at kanyang nasa paligid. Isa sa pinaka-tanyag na katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal ay "Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan". Nang mga napahong iyon ay ang tanging pag-asa ng mga tao ay ang kabataan, sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan. Ngunit, dahil sa mabilis na paglipas ng panahon masasabi pa din ba na kabataan ay siyang tunay ma pag-asa ng bayan?
Sa modernong panahon ngayon na talamak ang hadlang sa kaayusan nang paglaki ng kabataan ay malaki ba ang chansang kabataan ang magsasalba sa ating pagunlad sa hinaharap. Unang unang hadlang ngayon ay ang impliwensya ng internet madaming nabibiktima ng kaharasan at maling impormasyon galing sa internet lalong-lalo na ang mga kabataan marahil madali silang maniwala sa kung ano ang kanilang nakikita dahil wala pa silang sapat na kaalaman kung paano matutuloy ang totoo sa hindi, kung kaya't napaka laking halaga ng edukasyon, dito papasok ang sunod na hadlang ang kawalan ng pinansyal na pantulong sa pag-aaral maraming kabataan ang hindi nakakaron ng oportunidad na makapag-aral dahil sa kawalan ng pangmatrikula at kapos talaga sa buhay dahil dito ay napipilitan silang magbanat ng buto ng maaga para lamang may pantustos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Pang huling hadlang ay ang pandemyang Covid-19, Ang kabataan ang pinaka lubhang naapektuhan ng pandemya dahil nalimitahan sila sa paglabas at alamin ang tunay na takbo ng buhay, ang pag-aaral ay lubhang naging komplikado nawalan ng pokus ang karamihan at tuluyang naligaw ng landas. Malaki rin ang naging epekto nito sa mental na kaisipan ng mga kabataan. May mga ilan din namang kabataan ang hindi nawala sa pokus at landas na ang tangi na lang nilang kailangang gawin ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
Sa kabila ng mga hadlang na nabanggit ay masasabi padin bang kabataan ang tanging pag-asa ng ating bayan? Bilang isa sa bilang ng mga kabataan ay para sa akin, kahit malaki ang porsyento na ang kabataan ay naligaw na ng landas ay hindi ako nawawalan ng pag-asang may mga kabataan pading makakapagsalba ng ating bayan dahil sa maliit na porsyentong iyon ay sinong makakapagsabing doon pa manggagaling ang magaahon sa ating mga Pilipino sa kahirapan. Kung kaya't naniniwala akong totoo ang sinabi ng ating pambansang bayani na ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan" sa kabila ng mga hadlang na ito sa huli ang kabataan padin ang may malaking oportunidad na baguhin ang takbo ng kani- kanilang buhay.
Comments
Post a Comment