Pangkatag Gawain

Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral

Introduksyon

        Ang interpretasyon at konklusiyon ng mga datos ng pag-aaral tungkol sa sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akamedikong Performans ng mga Mag-aaral ay ipinakita at ipinaliliwanag sa papel na ito. Kabilang sa mga datos na nabigyan ng interpretasyon at konklusiyon ay ang Kasarian ng mga Kalahok/Impormants, ang Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok/Impormants at ang mga Salik na Nakaaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok/Impormants.

Kasarian ng mga Kalahok / Impormants 


         Ipinakikita sa Pie Chart ang kasarian ng mga kalahok sa pag-aaral tungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akamedikong Performans ng mga Mag-aaral. Apatnapu’t lima (45) o kalahating bahagdan (50%) ng mga kalahok ay babae. Ang natitirang kalahating bahagdan (50%) naman ay mga lalaki na may bilang din na apatnapu’t lima (45).


Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina

         Makikita sa bar graph ang porsyento ng pagkatuto sa iba't ibang disiplina ng kabuuang bilang ng mga kalahok. Batay sa bar graph, sa disiplina ng Mapeh sila mas higit na natuto kung saan umabot ito ng 77.788%, habang sa disiplina ng English naman na may 67.612% sila bahagyang nahirapan kumpara sa iba pang mga disiplina. Sa mga natira na disiplina, 65.543% ang pagkatuto sa Math, 69.310% sa Science, 70.346% sa Filipino, 71.981 sa Araling Panlipunan, 74.745% sa Edukasyon sa Pagkatao, at 73.245% sa TLE. Masasabing hindi gaano nagkakalayo ang kanilang pagkatuto sa iba't ibang mga disiplina.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants

             Ang bar graph ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa Pag- aaral ng mga Kalahok/Impormants. Ito ay may labing tatlo (13) na salik na nakakaapekto sa Pag- aaral. Ayon sa resulta, kawalan ng internet connection ang may pinakamataas na porsyento na may bilang na 4.59. Ang pinakamababa naman ay ang pagkakaroon ng malubhang sakit na may bilang na 1.54. Makikita din na magkakalapit lamang ang resulta ng ibang salik kaya naman maaaring madami pang bagay ang nakakaapekto sa pag-aaral. Kagaya na lamang ng sumunod sa pinakamataas na may bilang na 4.58, ito ay ang kakulangan ng mga impormasyong nakalahad sa modyul. Mataas din ang naging bilang ng kakulangan sa Gadget/s at ito naman ay may bilang na 4.57.


Konklusyon:

       Batay sa mga datos at resultang nakalap ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon patungkol sa implikasyon ng pandemya sa pang akademikong performans ng mgs mag aaral

      Sa kabuuang datos nagpapakita na malaki ang epekto ng pandemya sa pang-akademikong performans ng mga mag-aaral. Ang kabuuang bilang ng naging kalahok ay siyamnapu na may tig- kalahating bahagdang bilang ang lalaki at babae. Base sa kabuuang porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok sa bawat subjects ay hindi ganon kaganda ang mga porsyento ng mga naging kalahok na nagsusuma na malaki ang naging epekto ng pandemyang ito. Sa kabilang banda, ipinakita din dito ang mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag aaral. Base sa datos ay kawalan ng internet connection ang pinaka naging dahilan upang bumaba ang kanilang mga porsyento sa mga subjects.

     Magpapatunay lamang na malaki ang naging epekto ng pandemya patungkol sa pang- akademikong performans ng mga mag-aaral.






Comments

Popular posts from this blog

Tekstong Prosijural