Tekstong Argumentatibo
Ang mainit na usapin ng Russia laban sa Ukraine ito na nga ba ang pag sisimula ng World War 3 sa mundo? Tama nga ba ang naging desisyon ni Vladimir Putin na atakihin ang bansang Ukraine? Ano ang epekto nito patungkol sa propesyon namin Inhinyerong Sibil? Mga tanong sa isipang pilit na hinahanapan ng sagot. Ang tanging masasabi ko lamang ay tama ang naging desisyon ni Vladimir Putin na sakupin ang bansang Ukraine. Upang malaman kumbakit sumangayon ako sa desisyon niya ay babalikan natin sa umpisa.
Nagsimula noong 2013 ng balak pabagsakin ng mga taga ukraine ang tinatawag na pro russian government at palitan ng pro democratic government at nagtagumpay ang mga ito.
Dahil dito ay sinusportahan at pinondohan ni Putin ang mga rebelde sa bansang ukraine na tinatawag na Separatist group upang tuluyang mapabagsak ang bansa, noong 2014 pinondohan ni Putin ang mga ito binigyan ng mga kagamitang pandigma upang mapabagsak ang bansang Ukraine na kinikilala sa isa sa pinaka madaming Nuclear Weapon sa buong mundo. Ang Ukraine ay sumali sa tinatawag na Sovereignt and Teretorial Integrity upang makahingi ng tulong sa USA ngunit ang hindi alam ng Ukraine ay ginagamit lang ito ng USA upang makakuha ng mas mababang presyo ng krudo sa kanila dahil kilala din ang Ukraine na isa sa pinaka malaking minahan ng krudo sa buong mundo. Isa pa dito ay pinangangalagaan lamang ni Putin ang kanyang border line sa ibang bansa sapagkat halos lahat ng nakapaligid sa Russia ay kasali na sa Europian Union na pinaniniwalaan niyang magpapabagsak sa Russia at sa kanya kung kaya't pilit nyang sinasakop ang bansang Ukraine upang mapagtibay niya ang pagkakawatak watak ng mga bansa sa Europe. Pilit nilang pinapasama ang imahe ni Putin sa lahat pero sa kabila ng ito ay tama lamang ang nais na mangyari ni Putin ayun ay ang mapagtanggol at mapagtibay niya ang border line ng Russia sa ibang bansa sa Europe.
Para sa akin ay pabor ako sa naging desisyon niyang sakupin ang Ukraine dahil pinagtitibay laman ni Putin ang sarili niyang bansa laban sa mga tumutuligsa sa kanya. Naniniwala akong ang tanging gusto lamang ni Putin ay mapagtanggol niya ang kanyang bansa na Russia na isa sa pinaka malalakas na bansa patungkol sa mga War Weapons sa buong mundo kung kaya't hindi basta basta na susuko sa mga kalaban. Lalong lalo na sa USA na pilit hinuhuthutan laman ang mga European Countries dahil sa krudo at langis. Bilang isa sa pinaka malaking pinagkukunan ng supply ng krudo at langis malaki ang epekto nang giyerang ito sa propesyong Inhinyerong Sibil dahil halos lahat ng makinaryang ginagamit sa pagtayo ng mga gusali at kung ano ano pa ay ginagamitan ng Krudo at langis malaki ang magiging epekto nito dahil kapag gantong may giyera ay mahihirapang mag supply ang mga ito sa iba't-ibang bansa na magreresulta sa pagtaas ng presyo nito. Kapag tumaas ang presyo ng krudo at langis ay dagdag ito sa presyo mg babayaran ng aming magiging kliyente. Isa sa tinataglay ng isang Inhinyerong Sibil ay dapat sa mababang presyo at masisigurong matibay ang mga imprastakturang itatayo namin kaya't malaki ang epekto ng Giyerang ito sa aming mga Inhinyerong sibil.
Comments
Post a Comment