Tekstong Impormatibo
NEOLOHISMO
Ayon kay Warbleton Council (2022), ang neologismo ay isang salita na kung saan nilikha sa isang tiyak na wika upang maipahayag ang isang bagong konsepto. Ang neologismo ay mga bagong salita na kung saan napapadali ng nagpapadala ng mensahe ang kanyang nais sabihin. Pinagtibay ni IK PTZ (2020), ang isang salita ay itinuturing na isang neologism hangga't nararamdaman ng mga nagsasalita ang epekto ng pagiging bago at pagiging bago nito. Sa paglipas ng isang tiyak na tagal ng panahon, ang mga neologism ay maaaring ganap na mapangasiwaan ng wika at itigil na maging neologism, maging ordinaryong mga salita ng pangunahing stock ng wika.
Ang table 1 sa itaas ay mga halimbawa ng mga neolohismong salita at ang kalakip na pormal na wika nito. Tunay nga namang maganda at tamang pakinggan ang mga pormal na wika ngunit dihamak na mas medaling bigkasin ang mga neolohismong salita dahil nakakasanayan natin itong nababanggit. Sa kabilang banda ang salitang kolokyal at balbal ay mga salitang nabuo din dahil sa paglipas na din ng panahon ano nga ba ang ibig sabihin at halimbawa ng mga ito?
Ano ang Salitang Kolokyal at Salitang Balbal?
Ayon sa talaan ng Brainly (2014), Ang Salitang kolokyal ay mga pinapaikli ng isa o higit pang mga salita ito ay mga salitang ginagamit sa mga pagakataong impormal, halimbawa ay “kelan” na ang katumbas na pormal na salita ay “kailan”. Sa kabilang banda, Ang wikang balbal naman ay tinatawag ding wikang islang o kolokiyal. Ito ay ang wikang ginagamit na walang pamantayan at ginagamit ng isang partikular na grupo o pangkat sa lipunan (Panitikan, 2019). Tinatawag din ang wikang balbal na salitang kanto o salitang kayle. Ito ay sapagkat ang mga salitang balbal sa Pilipinas ay kadalasang nabubuo sa mga usapan sa kalye at sa mga usapan ng mga gumagamit. Halimbawa ng salitang kalye ay “Datung” na ang pormal na salita ay “Pera” at madami pang ibang halimbawa. Dahil kakaiba sa pandinig, ang salitang balbal ay naging bahagi na rin ng kulturang popular ng Pilipinas. Nabuo ang mga wikang ito sa di pormal na paraan. Maaaring ito ay mga salitang pinaikli, mga salitang pinagsama, mga salitang hiniram ngunit iniba ang baybay, at mga maikling salita na pinahaba.
Paano lumaganap ang Neolohismo
Ayon sa talaan ni Madaya, S. (2016), Sa pagbabago ng panahon kasabay nito ang mabilisang pagbabago ng ating wika o bokabularyo. Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na may mga bagong wika na sumisibol sa paglipas ng panahon sa pangunguna ng neolohismo na patuloy nagbabago ang mga salita at wika na nasundan ng mga salitang kolokyal at balbal.
Maari bang iangkop ang neolohismo sa pormal na edukasyon?
Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito angwikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sapagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan (Obel, K.N, 2022). Sa madaling salita hindi maaring iangkop ang neolohismo sa pormal na edukasyon sapagkat may opisyal na pantura ang pormal na edukasyon ayun sa talaan ni Obel, K.N.
KONKLUSYON
Bilang tao ang bawat isa ay may kakayahang makapag-isip at makapagsalita gamit ang wikang pambansa. Sa kasalukuyang panahon, nagiging moderno na ang ating henerasyon at ang neolohismo ay patuloy na lumalaganap. Dito mapapatunayan na dinamiko ang ating wika. Malaki ang kakayahan nitong umangkop at makabuo ng mga bagong salita. Kung hindi pumasok sa kultura ng wika ang neolohismo, maaaring natural itong mawala at maglaho na lamang. Kung kaya’t ang pagtanggap ng madla o publiko ang pinakamahalagang dahilan upang manatili ito bilang bahagi ng wika. Ngunit sa kabilang banda ay hindi maaring iangkop ang neolohismo sa pormal na edukasyon dahil hindi ditto basta basta ang mga wikang nabubuo lamang sa paglipas ng panahon may mga batayan ang pormal na edukasyon kung kaya’t ang neolohismo ay nararapat lamang na hindi manghimasok sa pormal na edukasyon.
SANGGUNIAN
Brainly (2014). Kahulugan ng Kolokyal. Retrieved from. https://brainly.ph/question/86766
IK PTZ (2020). Ano ang naiintindihan mo sa term na neologism. Mga neologismo at ang
kanilang papel sa wika. Retrieved from https://ik-ptz.ru/tl/fizika/chto-vy-ponimaete-pod-terminom-neologizmy-neologizmy-i-ih-rol-v.html
Madaya, S. (2016). Ang wika ay daynamiko. Retrieved from
http://sangremadaya.blogspot.com/2016/10/ang-wika-ay-dinamiko-sa-pagbabago-ng.html
Obel, K.N., (2022). Ang Wikang Panturo Ang Wikang Opisyal Na Ginagamit Sa Pormal Na
Edukasyon. Retrieved from https://www.scribd.com/document/333388178/Ang-Wikang-Panturo-Ang-Wikang-Opisyal-Na-Ginagamit-Sa-Pormal-Na-Edukasyon
Panitikan (2019). Ano ang kahulugan ng wikang balbal?. Retrieved from
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-kahulugan-ng-wikang-balbal
Warbleton Council (2022). Neologism: konsepto, uri at halimbawa. Retrieved from
https://tl.warbletoncouncil.org/neologismo-11503#menu-1
Comments
Post a Comment