Posts

Tekstong Prosijural

Image
  BILANG NG MAGAGAMIT NA BAKAL SA ISANG PALAPAG             Ang unang hakbang ay tignan ang  Floor plan  upang makita ang sukat ng palapag na tinutukoy. Kung wala pang  Floor plan  ay gumawa muna dahil isa ito sa unang hakbang upang makapagpatayo ng isang imprastraktura at upang masimulan ang mga kakailanganing gamit sa pagpapatayo.             Kapag natukoy na sa  Floor plan  ang palapag ay ikompyut ang kabuuang  area  ng palapag dahil kailangan ito para madetermina kung ilang bakal ang magagamit sa partikular na palapag. Pagkatapos makompyut ay gamitin ang kaalaman sa  Reinforced Concrete Design  upang masigurong tama ang pagdetermina sa bilang ng bakal dahil may tamang pagkompyut nito. Malalaman din dito kung gaano kakapal ang bakal na gagamitin sa isang partikular na palapag.             Ang sumunod ay angkop ba ang bakal na gagamitin sa palapag? Kapag hindi angkop ang bakal na gagamitin ay ulitin ang hinuha gamit ang konsepto sa  Reinforced Concrete Design  upang umangkop ang gaga

Tekstong Impormatibo

Image
  NEOLOHISMO               Ayon kay Warbleton Council (2022), ang neologismo ay isang salita na kung saan nilikha sa isang tiyak na wika upang maipahayag ang isang bagong konsepto. Ang neologismo ay mga bagong salita na kung saan napapadali ng nagpapadala ng mensahe ang kanyang nais sabihin. Pinagtibay ni IK PTZ (2020), ang isang salita ay itinuturing na isang neologism hangga't nararamdaman ng mga nagsasalita ang epekto ng pagiging bago at pagiging bago nito. Sa paglipas ng isang tiyak na tagal ng panahon, ang mga neologism ay maaaring ganap na mapangasiwaan ng wika at itigil na maging neologism, maging ordinaryong mga salita ng pangunahing stock ng wika.            Ang table 1 sa itaas ay mga halimbawa ng mga neolohismong salita at ang kalakip na pormal na wika nito. Tunay nga namang maganda at tamang pakinggan ang mga pormal na wika ngunit dihamak na mas medaling bigkasin ang mga neolohismong salita dahil nakakasanayan natin itong nababanggit. Sa kabilang banda ang salitang kolo

Kaugnayan sa Larawan

Image
 Ang Alegorya ng Yungib ni Plato (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo) Pangkalahatang Panuto: 1. Basahin at unawaing mabuti ang Alegorya sa Yungib ni Plato. 2. Pumili ng isang paksa / pinapaksa sa binasang sanaysay. 3. Iugnay ang nailing paksa sa grapikong representasyon na nasa itaas. 4. Kinakailangang masakop ng inyong pagpapalinawag ang nais iparating ng sanaysay at ng larawan. 5. Gamitin ang table na nasa ibaba para sa paglalagay ng iyong mga kasagutan.

Tekstong Argumentatibo

    Ang mainit na usapin ng Russia laban sa Ukraine ito na nga ba ang pag sisimula ng World War 3 sa mundo? Tama nga ba ang naging desisyon ni Vladimir Putin na atakihin ang bansang Ukraine? Ano ang epekto nito patungkol sa propesyon namin Inhinyerong Sibil? Mga tanong sa isipang pilit na hinahanapan ng sagot. Ang tanging masasabi ko lamang ay tama ang naging desisyon ni Vladimir Putin na sakupin ang bansang Ukraine. Upang malaman kumbakit sumangayon ako sa desisyon niya ay babalikan natin sa umpisa.    Nagsimula noong 2013 ng balak pabagsakin ng mga taga ukraine ang tinatawag na pro russian government at palitan ng pro democratic government at nagtagumpay ang mga ito.      Dahil dito ay sinusportahan at pinondohan ni Putin ang mga rebelde sa bansang ukraine na tinatawag na Separatist group upang tuluyang mapabagsak ang bansa, noong 2014 pinondohan ni Putin ang mga ito binigyan ng mga kagamitang pandigma upang mapabagsak ang bansang Ukraine na kinikilala sa isa sa pinaka madaming Nucle

Pagbabalangkas at Sanaysay

  KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN     Ang kabataan ay madaming lakas, oras, at oportunidad na baguhin at gawin ang lahat upang mabago at mapaunlad ang kanyang sarili at kanyang nasa paligid. A. Ang mga hadlang ng kabataan     1. Impliwensya ng internet    2. Finansyal na pantulong     3. Covid 19 B. May pag-asa sa kabataan    1. Mga maswerteng kabataan na nakakapag-aral C. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan   1. May pag-asa sa maliit na porsyento ng kabataang nasa tamang landas.    2. Tunay ang katagang binitawan ni Dr.Jose Rizal KABATAAN PAG-ASA NG BAYAN       Ang kabataan ay madaming lakas, oras, at oportunidad na baguhin at gawin ang lahat upang mabago at mapaunlad ang kanyang sarili at kanyang nasa paligid. Isa sa pinaka-tanyag na katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal ay "Ang kabataan ay ang pag-asa ng ating bayan". Nang mga napahong iyon ay ang tanging pag-asa ng mga tao ay ang kabataan, sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan. Ngunit, dahil sa mabilis

Tula tungkol sa Politika

 Mapagpanggap na politika Ibukas ninyo ang inyong mga mata  Wag magpabulag sa mga politika Huwag iboto dahil lamang sa pera  Iboto dahil karapat-dapat sila Tulad ng mga kumag na kongresista  Sa pagkampanya ang dadaling makita  Mga umaalingawngaw sa eleksyon  Wala kasing laman ang mga garapon Radyo at telebisyon sila ang laman  Bulsa ay tiyak na magkakalaman  Ang mga pulitikong puro pangako  Pangakong lagi na lamang napapako

Pagsasaling Wika

  Online Distance Learning: Isang Tematikang Pag-aaral tungkol sa mga Hamong Kinaharap ng mga Mag-aaral mula sa Educare College Inc.         Hindi maipagkakailang nagdulot ng maraming pagbabago at hamon sa lahat partikular na sa mga mag-aaral ang pandemyang COVID-19, isa na rito ay ang pagpapalit ng tradisyunal na paraan ng pagkatuto patungo sa paggamit ng modernong paraan o online learning education. Layunin ng pananaliksik na ito ang alamin at pag-aralan ang mga hamong kinahaharap ng mga mag-aaral mula sa Educare College Inc sa pamamagitan ng penomenolohiya at tematikang pag- aanalisa. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng online at face-to-face interbyu upang kunin ang panayam ng mga kalahok patungkol sa online learning education at obserbasyon sa mga nagdaang klase ng mga kalahok upang mapag-aralan at maanalisa ang mga hamong kanilang kinahaharap. Mula rito ay napag-alaman ang iba’t ibang mga salik at hamong nakaaapekto sa paraan ng pag- aaral ng mga kalahok, kabilang na rito ay ang di